Bilang Mag-Aaral Paano Mo Ipapakilala Ang Iyong Sarili Na May Lakas Ng Loob At Katatagan Sa Harap Ng Maraming Tao
bilang mag-aaral paano mo ipapakilala ang iyong sarili na may lakas ng loob at katatagan sa harap ng maraming tao
Answer:
Mga paraan kung paano maipapakilala ang sarili ng may lakas ng loob at katatagan sa harap ng maraming tao
- Tumayo ng tuwid at may pagmamalaki.
- Humarap sa lahat ng tao ng may ngiti sa labi at taas noo.
- Magkaroon ng eye contact sa manood.
- Ipakilala ang sarili ng kalmado at buo ang boses.
- Pagkatapos ng pagpapakilala, lakas loob na magpasalamat ng may ngiti sa mga labi.
Katatagan ng Loob
Ang katatagan ng loo ay ang pagakakaroon ng katapangan at tibay ng kalooban sa pagharap sa panganib, problema, suliranin at pagsubok sa buhay. Nagiging matatag ang loob ng isang taong handa at kayang harapin ang mga pagsubok sa kanyang buhay gaano man ito kahirap hindi siya sumusuko, handa siyang magpatuloy na harapin at labanan ito. Ang isang taong may katatagan ng loob ay masasabing isang taong matapang at malakas.
Mga salitang kakambal ng Katatagan ng Loob:
- pagtitiyaga
- pagsisikap
- paghihirap
- pagpipigil
- pagtitiis
- pagiging matatag
Para sa karagdagan pang kaalaman, magtungo sa mga link na nasa ibaba:
Kahalagahan ng pagiging matatag ang loob at matiyaga sa pagharap ng mga pagsubok: brainly.ph/question/1478426
Iba pang Halimbawa ng Katatagan ng Kalooban: brainly.ph/question/584994
Paano mo maipapakita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao: brainly.ph/question/850019
Replektibong Sanaysay tungkol sa Sarili: brainly.ph/question/2600327
#LetsStudy
Comments
Post a Comment